Showing posts with label about kyoto. Show all posts
Showing posts with label about kyoto. Show all posts

Dec 4, 2012

kyoto bisyamondo temple



 
tottemo kirei...ang ganda ng mga leaves...kahapon nag take kami para ilagay at idagdag ko sa album collection heheehe...

Dec 6, 2009

autumn color of leaves in JAPAN


日本には秋があっていいです。
秋になると景色が変わって赤くなってきます。
寒いなるからいやだけど、葉っぱだけ好きですhehehe
i just want to share this photo of mine
hi po sa lahat! taglamig nanaman, po dito sa japan!
tuwing magtataglamig dito sa japan laging nagiging red or orange at ibang kulay ang mga punong kahoy!
ang gandang tingnan pero pagdating ng mga 3weeks nalalagas ang mga dahon, at nakakalbo na yung puno..
tapos mapapalitan ulit ng kulay green yung leaves kapag tag-init na...
yung iba ayaw nila yung kulay na ito!
like my hubby masgusto raw niya yung green...
sana kahit konti lang yung pix ko na share sainyo,
i hope na-enjoy niyo pong view lang sa pix...
salamat po...

Sep 27, 2009

Kyoto city zoo(京都市動物園)

京都市動物園に行ってきました。
子供は犬や猫が好きですから、行ってきました。
私の子供はすごい喜んでました。わいぃわいぃ言ってました。

Ngayong araw na ito ay namasyal po kami sa animal's place
ZOO... yung baby ko sobrang natuwa sa mga nakikita niyang mga animal's
halos ayaw nang umalis hahaha...masaya ko pagnakikita ko yung baby
na sobrang saya niya! well kahit sino naman yatang parents same yung
feelings na mararamdaman...
by the way kumusta na ho kayong lahat?! sana po ay okey kayong lahat
at walang karamdaman....idinadalangin ko po sa may kapal na sana'y
laging masigla at maayos ang inyong mga pangangatawan...
god bless and more blessing po sa lahat...

Sep 6, 2009

child's paradise(宝が池子供の楽園)













京都市にある「宝ヶ池子供の楽園」に行ってきました。
遊ぶところがいっぱいあったけど、暑かったので水遊びをしてきました。
http://petamap.jp/spot/spot?sid=2c90b2aa22ec54610122eecfd2092dad
ito nanaman kami ng baby ko..hehehe
play ground ng mga bata!at matanda hehehe
nakaka relax dito,kasi maraming laruan at batang makikita.
maraming puno! masarap magpiknick
dito kasi sa japan kapag dika nagpunta sa ganitong lugar
yung anak ko eh palagi lang nasa house!
di tulad sa pinas na kahit sa kalsada
pwede maglaro ang mga bata
dito po hindi eh! maraming bawal!
maraming rules na dapat sundin.
kaya tahimik sa kanila!

Apr 5, 2009

hindi ako sinipot(ドタキャン)

今日はMIXIでchatしている人と会う約束をしていましたが、突然キャンセルになってしまって残念でした。
初めて会うんだったので楽しみにしていたけど約束の時間になったとき”仕事ある”って電話ありました。HAHAHA!
時間がもたいないので、京都をぐるぐるしました。
桜がいっぱい咲いていてとても綺麗でした。
そして、洋服を買って帰りました。
hi mga friend ko! kumusta po kayo?
naranasan niyo na po bang makipag-kita sa naka chat niyo..
kasi try ko sana kaya lang hindi ako SINIPOT ng kausap ko..hahahaha!
Excited pa naman ako kasi tagal ko ring hindi nakikipag-date
wahahaha kala mo single pa eh nho!!! hehehe well
okey lang kahit di ako sinipot kasi ang ganda naman ng sakura nakaka aliw tingnan...
nauwi ako sa paikot-ikot then ayun napabili tuloy ako nitong
t-shirt at pang hip-hop na damit...hahaha....









RODEO.HOLLYWOOD by CAMDEN
http://www.camden.co.jp/k.html












LB-03
http://www.lb-03.com/

Feb 7, 2009

omanjyu(和菓子作り)

今日は学校でお饅頭を作りました。このお饅頭を作るのは難しいかったけど、何とかできました。すごい柔らかくって美味しいです。

hello mga friends!! kumusta lahat kayo?
ako ito kagagaling ko lang po nang shool at ito yung ginawa namin.
sobrang mabusisi at hirap gawin.
kasi ang lambot niya kaya mahirap bilugin kapag-nagkamali pa!
mawawasak hindi mabubuo yung kulay pink na my flower sa ibabaw ang tawag po dun/SAKURA MUCHI
at yung kulay green naman ay/KUSA MUCHI
at yung isa namang maliit na ibat ibang kulay na bilog ay /SAN SYOKU DANGO
parang ang daling gawin pero naku ilang oras din po yan naming pinaghirapan....

Dec 23, 2008

malapit na ang araw ng pasko(もうすぐクリスマス!!)

もうすぐクリスマスです。maligayang pasko po sa lahat. 駅の前で写真をとってもらいました。綺麗なクリスマスデコレーション見た時にいっぱい写真とってもらいました。(^=^)
そしてケーキをいっぱい買いました。
mga friend ko at kababayan ko maligayang pasko po sa inyong lahat...
sana po masaya kayo this coming christmas...
ako po hinahanap-hanap ko po ang pasko sa atin
dahil sa iba talaga ang ginagawang pagdiriwang sa atin,
at kasama ang lahat ng pamilya..
nakakamiss talaga ang pasko sa pinas...
lalu na yung may mga batang pupunta sa harap ng pinto
at sasabihing MAMAMASKO PO! sobrang namimiss ko po yun..
sige maligayang pasko ulit sainyong lahat.








Dec 6, 2008

和菓子作り

学校でおまんじゅうを作りました。
いっぱい作ったので、友達にも上げました。
最初はかんたんと思ってたけど自分で作った時にとっても難しいです。でもなんか頑張りたくなったよ。もっと勉強したいな。
家に帰ってすぐお茶を入れておまんじゅうを食べるとき、旦那さんから美味しい言われてとっても嬉しいかったです。
ito yung gawa kung omanyu..
ang daling tingnan pero nang ako na ang gumawa hirap pala...
hehehe pero okey lang kasi sobrang nagustuhan
ng asawa ko yung lasa niya kasi favorite niya ito...
pero shempre iba yung gawa ko at gawa ng iba
kasi ito pinaghirapan ko para lang sa kanya...
natuwa naman siya kaya masaya narin po ako..
mula sa puso ko hahhaa mahirap na masaya habang ginagawa ito
kasi kapag hindi pulido pangit at ang lasa pero
medyo di pa ako magaling mag design kaya medyo kulang pa talaga!

Nov 20, 2008

konpeitou(金平糖)緑寿庵清水

今日はお土産に金平糖をもらいました。すごいかわいいみたいなクリスタルだけど飴でした。
明後日友達の家にあそびに行くので持って行こうかな。
前はこの飴をテレビで見ました。その時欲しいかったです
今日は旦那さんからお土産もらったから、とっても嬉しいです。
share ko lang sa inyo itong candy
na gawa sa ibat ibang fruits.
ang pinagkaiba po nito sa ibang candy ay 20days bago magawa
ang ganitong candy sobrang tagal po nito gawin...
at nakakahanga pa dahil sa hindi siya nakakatabang candy...
at hindi masama sa katawan ng tao..
wala rin siyang food coloring kasi natural po yung pagkakagawa sa kanya
dito lang daw sa japan ang tulad ng ganitong candy,
ang tawag sa candy na to ay KONPEITOU
sikat po ang candy na ito dahil nailabas pa sa TV program
ang tungkol dito.
at isa pa hindi basta basta ang matutu gumawa nito
kailangan mo mag aral ng 20 years..
isa lang masasabi ko mahal ang price niya
pero sulit naman kasi masarap....
pasensiya na kayo diko masyado maipaliwanag
kasi hindi ako magaling magpaliwanag hehehehe.....
love you all viewers

Nov 9, 2008

Crab Restaurant(かに道楽京都本店)























いつも前を通るだけだったけど、やっとかにのお店にい きました。
かにを刺身で食べたのは初めてです。日本は刺身が美味しいですね!
http://petamap.jp/spot/spot?sid=2c90b2aa1d7653ab011d8160af09436f
nagpunta kami dito crab restaurant,
alam niyo naman po na minsan parang hinahanap natin yung pagkain
sa pinas pero shempre iba parin po yung lasa dito at sa atin....
masarap din satin pero hindi pwedeng kainin ng hilaw
kasi medyo may amoy! medyo malansa
pero dito sa kanila walang amoy kaya pwedeng kainin ng hilaw...!
pero shempre mas gusto ko luto..
nakaka alis lang kami ng anak ko kapag ang asawa ko walang pasok!
nakakalungkot naman kasi umalis ng nag-iisa ka lang kumain sa labas...
nakasanayan kuna rin kasi ang ugali satin na sabay-sabay na kumain
at kasama ang buong pamilya...masaya
kasi kapag magkasama lahat kahit pa sardinas ang ulam!
basta sama-sama masaya na...ganun ang pinoy!
basta makakain lang ng tatlong beses sa isang araw kontento na...
di tulad ng iba halos lahat nasakanya na hindi parin kontento!
god bless sa lahat....
















Oct 25, 2008

i love old style restaurant(御幸町ここら屋 )京野菜のお昼ご飯です!

今日は京都の三条寺町通りの近くにある「御幸町ここら屋」 でお昼ご飯を食べました。
http://petamap.jp/spot/spot?sid=2c90b2ac1d12dedd011d13b4291d036b
ここのお店のお昼ご飯は京都の野菜をつかっていて、甘くて美味しいでした。 高くなくてちょうどいいです。
今私はダイエットしているだから、野菜をいっぱい食べました :)
hello po sa inyong lahat! (^=^) gustong gusto ko po yung walang fertilizer na nalalagay sa mga pagkaing gulay...
kasi karamihan sa atin sa pinas diba hindi naman gumagamit nun!
kaya masgusto ko talaga natural,! kaya nang malaman ko na itong restaurant na to eh..
nagustuhan ko talaga siya...


masarap kasi yung gulay matamis ba...
at medyo diet ang lola niyo hahahaha...ito yung baby ko medyo lumaki na..

Oct 18, 2008

UNAGI:EEL(花遊小路 江戸川 )うなぎ

今日はうなぎ屋さんに行きました。
http://petamap.jp/spot/spot?sid=2c90b2ab1d0ef1c2011d0fa188a502ac&md=view
うなぎは日本に来て初めて食べました。すごく好きになりました。安いのうなぎは骨おおいけど、高いのうなぎはおいしいですね!

buhat ng matikman ko ang unagi or eel sa english,
nagustuhan ko po siya kasi masarap!
kaya lang medyo may pagkamahalan din po siya...
meron din medyo mura lang pero im sure hindi niyo magugustuhan kasi maraming tinik yun!
pero kapag mahal ang binili or kinain niyo!
hindi niyo po salalaman na marami palang tinik ang unagi!
hindi ko po alam kung meron sating unagi!
isang klase ng isda na sa river makikita yung malinis na river!
masyado po yung madulas..
parang hito yung pagkadulas niya! pero parang snake yung itchura niya!


by the way thank you so much to all my blog viewer!
and god bless... salamat po sainyo!
salamat po ng marami.....
sige next week ulit!




Oct 12, 2008

YAKINIKU(にく処おおた)焼肉

すごく美味しい焼肉を食べました!!
http://petamap.jp/spot/spot?sid=2c90b2ad1c9ef234011cc1ecd18d461f&md=view



とても柔らかくて、甘くてジューシーな肉でした。いっぱい食べて太ったみたいです。hehehe

hello again!
tagal ko ding hindi nakapunta sa yakiniko restaurant hay ang sarap pala ng minsan lang kumain ng beef kasi i feel very much yung lasa ng beef wow!
sabi ang lambot at ang linamnam ng pagka karne...
kakaiba talaga! never ko pang natikman yung ganito sa pinas!
tapos naparami yung kain ko...
ayun hirap nako isara yung zipper ng jeans ko hahahahaha(*__*) graveeeeee....
sige next time ulit see yaeh!

Oct 11, 2008

ang hapunan ko(がんこ高瀬川二条苑)日本のレストラン


今日は、がんこ高瀬川二条苑というところで和食を食べました。
http://petamap.jp/spot/spot?sid=2c90b2aa1cd7cca4011ce59526ef31c4&md=view
hello again! dito nanaman po ako! hehehe......
nakapag relax din ako today...kasi lagi nalang bahay
kaya naisipan ng asawa ko na lumabas kami at kumain sa labas..
kasi always ako nagmamadaling kumain!
pagnasa bahay kasi po yung baby ko iyakin...hu hu hu(?=?)
pero okey lang bata kasi diba!
by the way mapunta tayo sa usapang about my self
well well well ang saya ko po kasi may nakilala ako na mabait sakin japanese!
name niya RICA and YURI sobrang bait po sakin...
thanks god kasi hindi ko pa naranasan na supladahan ako or IJIWARU wala pa po!
siguro kasi maganda ako!
hahaha joke lang siguro kasi nakikita nila na smiling face po ako hehehe!...
pero pagdating sa mga kababayan kong pinay muka raw po ako mayabang!
pero hindi po me mayabang...basta kilalanin niyo nalang ako in personal..
oh diba kaloka hehehe ...

Aug 16, 2008

araw ng mga patay(お盆)

今日は「五山の送り火」に行ってきました。
日本は8月16日ですが、フィリピンでは11月1日がお盆です。
dito sa japan ang araw ng mga yumaon na. ngayong aug.16. ay ipinagdiriwang nila mga kamaganak nila na namatay na.
sa atin naman nov.1.
kung sa atin ay kandila sa kanila ang sinisindihan ay malapit sa bundok at napaka laking fire!
kahit nasa malayo po ako nakikita ko yung fire na ito.
ibig sabihin daw po ng pagsindi nito ay para pagbaba ng mga soul ay hindi sila maligaw...
yung iba naman sa river nila pinapaanod ang ginawa nilang ilaw
na parang lampara. at ang inihahanda nila ay "omanjyu"
kung tawagin sa atin ay yung bibingka matamis din siya may konteng pagkakahawig...
at ibat ibang klase po ng kulay!
kaya ito kain kami ng omanjyu hehehe...
sa totoo lang gusto ko talaga ang omanjyu lalu na sa atin
yung bibingka na ibat ibang kulay! kakamiss talaga mga pagkain sa pinas!
ummmm sarap...napunta na tuloy ako sa pagkain hehehe..

Aug 9, 2008

namasiyal(気分転換)

毎日暑い暑いです。家にいてもエアコンばかりだから、外に遊びにいきました。楽しかったけど、いっぱい食べたからまた太ったかな:)
araw-araw ang init sa bahay kaya naisip ko na yayain ang mahal ko
na lumabas at magpalamig naman ng konte,
hay ang init kasi sa bahay kailangan kasi magtipid hehehe...
pero lalu pala kami napagastos ng lumabas kami kasi nauwi sa shooping. hahaha...pagtapos gabi na na kami nakauwi nalibang kasi e...
tuwing sabado lang kasi ako nakaka alis ng bahay dahil maliit pa baby ko! hay nakikita niyo ba yang cake na yan!
sus nagdadiet pa naman ako pero napakain ng matamis
ayun tumaas kilo ko ng 4gram ang hirap yata magdiet nho!
dipa bumabalik ang hugis ng katawan ko!
nuon kasi mas gusto ko katawan ko,
iba na pala talaga ang mayroong anak!.kainis na na nga e...
pero okey lang di naman masyadong mataba konti lang..

Aug 3, 2008

RESTRAUNT(?) KITANO GRILL(神戸洋食亭 北野グリル)

今日は外出して、河原町のminaミーナ京都にあるレストランで食事をしました。
ハンバーグがすごく美味しかったけど、ひとつすごく気になる事がありました。RESTRAUNTって??
lumabas kami at namasyal kasama anak at asawa ko.
tapos dito kami nag dinner
ito yung restaurant na ito ay ang sarap dito kumain..
pero isa lang po ang napansin ko!!!
kayo po tingnan po ninyo yung picture na ito kung ano ang mali!?
aq napansin ko po ito nung papasok na kami para mag order, [RESTRAUNT?]
imbis na RESTAURANT nag kabaligtad daw yung spelling nang restaurant...
tinanong ko kasi sa stuff. 
parang sa atin sa pinas maraming maling kanji
at nihongo na nakapaskil..hahaha
pero okey lang sabi ko U-NIQUE yung name hehehe...
pero wala kong masabi sa lasa ng burger kasi wow talaga ang sarap po!